HINDI pinaboran ng lokal ng pamahalaan ng Coron at Environmental Critical Areas Network (ECAN) Board ang aplikasyon para sa pagku-quarry ng mga primera-klaseng maliliit na bato o pebbles mula sa Barangay Turda, Coron. Sa pulong na isinagawa ng ECAN Board sa bayan ng Coron noong Mayo 26, tinutulan nito ang panukala ng isang Onofre Macawili dahil sa mga pangambang negatibong epekto ng pebble quarrying, gayundin upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan. Ang ELAC ay kasama sa ECAN Board sa bahagi ng Calamianes.

Kaugnay nito, dismayado ang ELAC sa patuloy na hindi pag-aksyon ng PCSD Adjudication Board sa kasong isinampa ng ELAC laban kay Lily Fabrigas sa isyu ng paghahakot din ng pebbles. Ayon kay Atty. Ronald Carpeeble.jpgandang, nawawalan na siya ng pag-asa na magiging pabor sa adhikain ng ELAC ang desisyon ng PCSD sa kabila ng mga ebidensyang nagpapakita ng iligalidad ng gawain.

Base sa pagtaya ng ELAC, lumalaganap ang iligal na pagkuha ng pebbles dahil na rin sa aktibong paggawad ni Gov. Joel Reyes ng mga permiso sa mga operator. Ang PCSD naman ay patuloy na iniendorso ang mga katulad na proyekto. Pinagpaplanuhan na ng tanggapan ang pagkuha ng opinyon mula sa Kagawaran ng Agrikultura kaugnay sa nasabing anomalya.

Advertisements